September 23, 2023
Nagtakda ang National Food Authority (NFA) ng bagong presyo sa pagbili ng palay para mapabuti ang kita ng mga magsasaka at tiyakin ang sapat na suplay ng bigas. At kaugnay naman sa implementasyon ng Executive Order No. 39 (Imposition of Mandated Price Ceilings on Rice), lahat ng mga nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ay ibinigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ipamahagi sa mga mahihirap na komunidad.
Ang lahat ng ito, tungo sa pagkamit ng seguridad sa pagkain at maayos na pamumuhay para sa lahat dito sa Bagong Pilipinas!
* * *